Linggo, Pebrero 10, 2013






Goa, Camarines Sur
COLLEGE OF EDUCATION
A/Y 2012-2013
How to Prepare Handouts
by: Ivy C. Palmaria BSED 2B
TOPIC:PAGTATALO O DEBATE
iveskie09@gmail.com
ivy_palmaria@yahoo.com



“Ang matalinong paraan upang panatilihin ng mga tao ang balintiyak at pagkamasunurin sa mahigpit na limitahan ang espektro ng mga katanggap-tanggap na opinyon, ngunit payagan ang buhay na buhay na debate sa loob”



                                                                                                                                       -Noam ChomskyThe Common Good




Pagtatalo ng dalawang Senador

 By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 21:01 PM 01/23/2013

Debate o Pagtatalo
   ·          Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa isang paksa. Masasabi din natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga pulitiko dahil hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay. 
 ·         Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng  pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.
·         Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa
·         Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunang paksa.
Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon
1.Maydulot na kapakipakinabang at napapanahonang paksa
2.Kawili-wili sa  mga nakikinig
3.Pantay at walang kinikilingan
4.Malinaw at tiyak ang mga salitang napagkaloob sa 
 proposisyon    
5.Hindi pa ito nagpapasyahan
6.May makakalap na datos tungkol sa paksa
7.Maaring patunayan ng ebidensya
8.Nagtataglay ng isang ideya sa isang argumento
Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:
          1.Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
          2.Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap 
          na may  isa lamang suliraning patutunayan.
          3.Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang 
          pag-aalinlanganan ang kahulugan.
          4.Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon

Kahalagahan ng Pagtatalo

1.Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-
      iisip
     2.Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na
      pagsasalita
     3.Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran
     4.Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at
      maling pagmamatuwid
     5.Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad
      ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili
     6.Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad
      ng iba  at pagtanggap na nararapat nakapasyahan.
Paghahanda sa Pagtatalo
            1.Pangangalap ng mga datos
·         Paghanap ng impormasyon  at katibayan
            2.Paggawa ng balangkas
·         Panimula
·         Katawan
·         Wakas
            3.Pagpapatunay ng mga katuwiran
·         Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat
Dapat tandaan sa pagtatalo
·         Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang positibong pahayag
·         Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig
·         Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag.
·         Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran at kalaban
·         Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban
Dapat tandaan sa pagtatanong
·         Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanung
·         Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
·         Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong
·         Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila
·         Ang mga tanung ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan
Dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa (Rebuttal)
·         Mahinahon at maliwanag nailahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban
·         Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
·         Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban
·         Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayang mga binanggit na katwiran sa paksang pinagtatalunan.
·         Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa
·         Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan
Mga Tagapagsalita o Speaker
·         Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
·         Practicability – ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
·         Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailanagn at tunay na solusyon

Uri ng mga Pagtatalo

·         Debateng Oregon-Oxford
         -madalas gamiting paraan ng pagtatalo
         -binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
         -may mga huradong susuri sa mga argument na may sapat
           Na kaalaman sa paksa

·         Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )

A.Pagpapakilala ng bawat koponan( Pagtukoysa
mgatuntunin )
B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo

·         Debateng Oregon
       -Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng
        pagmamatwid ngkani-kanilang panig
      - Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang
        maipakilala ang karupukan ng mg matwid na panig ng katalo
       -Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan
        Bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig



REFERENCES:


Acuh Cee Arian Pogi,February 20, 2012,Ang  pagmnamatuwid at ang Pagtatalo http://www.scribd.com/doc/82144911/Ang-Pagmamatuwid-At


Ortiz,Allan(March 8,2010),Pagtatalong Oregon-oxford  http://allanortiz05.multiply.com/journal/item/24?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem







How to Prepare Hand outs